PAKIUSAP, SANA NAMAN PO AY HINDI NINYO KOPYAHIN OR ANGKININ ANG MGA KWENTO KO :P ENJOY LANG!

Ako si Nat. Matangkad, medyo may kaputian, 24 anyos at tapos ng kursong Nursing. Ngayon ay dito na ako sa ibang-bansa naninirahan kasama ang aking pamilya. Hayaan ninyong ibukas ko ng kaunti ang bintana ng aking buhay bilang isang bakla, sana ay magustuhan ninyo ANG ISTORYA NG BUHAY KO

VISITORS

free counters

Wednesday, May 18, 2011

Baliktanaw: Elementary to Highschool Part 2

Kinabukasan ay nagsimula na ang klase, doon ay nakita ko ang aking mga maggiging kaklase, ilan lang kaming matino sa loob, halos lahat ng lalake ay magagaspang at maiingay, may mga babae din akong kaklaseng parang "pokpok" kumilos. Lumipas ang ilang linggo ay magkakakilala na ang lahat, nagkaroon na rin ng kaniya kaniyang grupo ang bawat isa. Sa kasamaang palad napabilang ako sa grupo ng mga "pasaway" haha. Ngunit mayroon akong naging bestfriend, si Rosemarie, hindi siya kagandahan pero napakabait niya, Sa katunayan ay may crush nga ako sa kanya. Teka nga muna... crush ko si miguel, crush ko din si rosemarie? ano ba itong nararamdaman ko, sumisikip nanaman ang mundo ko.

Naguluhan ako sa aking nararamdaman, parang tinatangay ng hangin ang sisidlang aking kinalalagyan, hindi ko alam kung saan ako mapapadpad!

Si rosemarie ang aking katabi sa klase, kung kaya naman buong araw ko sa eskwela ay sa kanya halos umiikot dahil sa mga daldalan namin at kulitan. Ordinaryong babae lang siya, hindi masyadong maganda, hindi rin naman pangit, may katangkaran, mahaba at medyo kulot ang buhok, malambing pero mahiyain. Madalas kaming mag-antayan sa gate ng aming paaralan para sabay pumasok sa aming klase, sabay din kami mag recess, mag tanghalian, pati sa uwian ay sabay kami. Nahuhulog na ang loob ko kay rosemarie kung kaya naman ay nawala ang aking pagtingin sa mga kapwa ko lalaki, sa katunayan nga ay naging tunay na lalaki ako nang mga panahong iyon.

Tandang tanda ko pa, uso noon ang pagkakaroon ng gangsta, at dahil kabilang ako sa mga pasaway ng grupo sa klase, alam ko na ang ilan sa mga kaibigan ko ay may gangsta at sorority na mahigpit na ipinagbabawal sa eskwelahan. Muntik pa nga akong sumali pero kilala ko naman ang aking sarili at alam ko na hindi ko kailangan ang ganoong klase ng grupo dahil matino naman at matalino akong tao, masaya lang talaga ako at kaibigan ko sila dahil mababait din naman sila, malilibog pa! Michelle ang pangalan ng isa sa mga matalik kong kaibigan sa grupo namin, member siya ng isang sorority. Siya ang nagturo sa akin kung paano magsulat ng mga letrang pang gangsta at sa kanya din ako natuto ng ilang kalibugan, halata nga ang pagkainis ni Rosemarie sa akin kapag naglalandian kami ni Michelle. Isang araw ay lumapit sa akin si Michelle. "Nat mamaya sama ka sa amin sa may CR may papakita ako sa inyo" sabi sa akin ni Michelle. "Ano naman yon?" tanung ko. "Basta pumunta ka nalang mamayang uwian" at yun nga ang ginawa ko. Inantay muna namin na makaalis ang ilang mga guro bago nagtungo sa harap ng CR. nagulat ang lahat sa nakita namin. Naka-tube na napakaliit si Michelle at Umaapaw ang MALALAKI niyang suso, mataba si michelle at sobrang laki talaga ng SUSO niya, naghiyawan ang lahat habang nagsasayaw si Michelle, ang ipinagtaka ko lang ay hindi ako nalibugan sa ginawa niya. Siguro ay dahil kaibigan ko siya, o baka naman wala talaga akong nararamdamang libog para sa mga babae. Lumipas ang Ilang araw at nakarating sa mga guro ang ginawa ni Michelle, at doon ay naungkat ang isyu tungkol sa gangsta at sorority, maraming ipinatawag na suspect. Kinabahan nga ako dahil baka ako madamay sa mga pinaghihinalaan nilang gangsta at sorority members ngunit dahil na rin siguro sa office ng school nagtratrabaho si mama ay hindi ako pinaghinalaan at hindi nila isinama ang pangalan ko. Nagdaan ang sabado at linggo, natapos ang "Grievance Board Meeting", at nagulat ang lahat sa naging resulta, apat na estudyante ang na-expelled sa school at kabilang dito si michelle. Nalungkot ako sa nangyari ngunit ang rules ay rules, malas lang ni Michelle at may makating dila na nagsumbong sa mga Guro tungkol sa kanila.

Dahil sa nangyari lalu kaming naging malapit ni Rosemarie sa isa't isa, wala na kasi siyang kaagaw sa atensiyon ko. Hindi ko siya girlfriend dahil hindi naman ako nanliligaw, saka bata pa kami noon, pero alam namin na gusto namin ang isa't isa. Lumipas ang ilang araw ay nag announce ng try-outs para sa Volleyball varsity team ng highschool. Halos mapalundag ako sa saya at excitement dahil chance ko na ito para maging varsity ulit. Isang tao ang agad pumasok sa isip ko, si Miguel. mag try-out kaya siya?

Dumating ang araw ng try-outs, napakadaming nagpunta, apat kaming first year na nag try-out. Ako, ang captainball namin nung elementary na si Hans na halos hindi nagbago ang itsura, ang transferee na si JR na ikinagulat ko ang kagwapuhan, napakaputi niya at parang artista. walang tigyawat sa mukha at maganda ang katawan. pero hindi ko siya gaano napansin dahil ang pang-apat na first year ay si Miguel, oo, nakasama ko ulit sa wakas si Miguel! at hindi maikakaila na halos hindi ako umalis sa tabi niya nung araw na iyon.

Ano ito? umiihip nanaman ng malakas ang hangin, tinatangay nanaman ako sa ibang direksyon...

Buddy kami ni miguel sa stretching at jogging. At sa di maipaliwanag na pangyayari, panay ang chancing ko sa kanya, banayad at may lambing ang bawat hawak at haplos ko sa mga kamay niya, at ang hindi ko malimutan ay nung binuhat namin ng payapos ang isat-isa as part ng stretching namin. Mabango si Miguel, at sobrang gwapo sa malapitan, mabango ang hininga niya at nakakalibog ang mga mata niya. nang niyakap ko siya upang buhatin hindi ko napansin na ibang yakap ang ginawa ko, mahinhin ito at nakapatong pa ang ulo ko sa balikat niya habang nakatalikod siya sa akin "Nat ano ba yan, kaw ha china-chancingan mo ako hahaha" sabay tawa ng malakas, buti nalang at walang nakarinig at pabiro ang pagkakasabi niya pero namula talaga ako ng sobra dahil kakaibang yakap naman talaga ang naramdaman ko, saka tinigasan ako sa ginawa namin, ramdam na ramdam ko nung yakap-yakap ko siya ang init ng kanyang katawan, at pinagpapawisan na rin siya, amoy lalaki talaga, napakabango. para akong yumakap sa isang anghel. panay ang pakitang gilas ko sa try-out, hindi para sa coach namin kundi para kay Miguel. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi kami nakuha ni Miguel, ang captain ball namin at ang transferee na si JR ang kinuha. Labis akong nalungkot at nakalimot kay Miguel, pakiramdam ko ay gumuho ang pangarap ko para maging isang magaling na manlalaro. Umiyak ako kay mama, at tinawanan lang ako, sabi ni mama bumawi nalang daw ako next year kasi bata pa naman ako. At yun nga ang aking ginawa, hindi man ako naging varsity, nag ensayo naman akong mabuti para sa nalalapit na intrams. kinalimutan ko ang lahat, ang pagtingin ko kay miguel at rosemarie at ang pagkabigo ko sa paggiging varsity. Tuwing recess, tanghalian at uwian ay bola ng volleyball ang aking hawak, nakikipaglaro sa mga varsity. kahit amoy pawis at dugyut na ako sa klase ay wala akong pakialam, ang alam ko, masaya ako sa pag nakakahawak ng bola ng volleyball. lalo akong naging ADIK sabi nga nila. at nagdulot naman ito ng maganda dahil bagama't talo, maganda ang ipinakita ko noong intrams.

Kung kaya naman noong nag 2nd year highschool na ako ay naging miyembro din ako ng Varsity team kasama si Hans, JR, at kasama kong natanggap... ang pantasya ko na si Miguel. Nang mga panahon na iyon ay hindi ko pa alam ang term na bisexual, pero masasabi ko na isa akong bi nung mga panahong iyon dahil sa nararamdaman ko para kay Rosemarie- na mas napalapit sa aking loob- at para kay Miguel. Walang formal agreement pero parang nobyo na rin ako ni Rosemarie. Ngunit hindi naging maganda ang buhay ko bilang isang 2nd year highschool. Bukod sa natalo ang aming paaralan sa district meet. Nawala sa buhay ko ang pinakamamahal kong Lola. Bilang paboritong apo, ako ang pinaka naapektuhan sa pagkawala niya, wala nang mag ba-baby sa akin, wala na ang tagapagtanggol ko noong bata pa ako mula sa pamamalo ng tatay ko. wala na ang naghahatid sa akin sa eskwelahan nung kinder pa ako, wala na......

Natapos ang buhay 2nd year ko, at dumating ang bakasyon- Ang PINAKAMAHALAGANG BAKASYON sa buhay ko. Magpapalit daw ng coach ang Volleyball Team namin, Isa daw mahusay na manlalaro ito. Excited ako dahil nagpatawag ulit ng Try-outs pero sigurado na daw na pasok ang mga natirang players. Madaming gumraduate sa batch na yun kaya iilan lang kami natira, ang 2 bakla na noon ay mag fo-Fourth Year na, ako, si hans, miguel at JR at dalawang lalake na graduating na rin.

Apat ang kulang sa team... sino kaya ang mga bagong makukuha? anong klase kayang coach ang papalit sa coach namin?

Volleyball.. that was my focus that time.....

No comments:

Post a Comment