PAKIUSAP, SANA NAMAN PO AY HINDI NINYO KOPYAHIN OR ANGKININ ANG MGA KWENTO KO :P ENJOY LANG!

Ako si Nat. Matangkad, medyo may kaputian, 24 anyos at tapos ng kursong Nursing. Ngayon ay dito na ako sa ibang-bansa naninirahan kasama ang aking pamilya. Hayaan ninyong ibukas ko ng kaunti ang bintana ng aking buhay bilang isang bakla, sana ay magustuhan ninyo ANG ISTORYA NG BUHAY KO

VISITORS

free counters

Thursday, May 6, 2010

Palengke PART 3 of 3

Nagpatuloy ang paggiging sweet sa akin ni macoy sa siya namang inenjoy ko talaga. Sino ba naman ang hindi mageenjoy, hatid sundo ka na sa bahay galing trabaho kasama ka pa sa mga gimmicks niya, at pati date nila ng girlfriend niya eh magkasama kami. Dumating ang araw na naguluhan talaga ako sa nararamdaman ko sa kanya, siya na ba ang taong humigit pa sa pagtingin ko kay Leo? ito ang katanungang lagi kong itinatanong sa aking sarili ngunit HINDI ang aking laging isinasagot dahil alam kong STRAIGHT si macoy at walang sense ang pagiilusyon ko. Kaya minabuti ko nalang na piliting kontrolin ang aking nararamdaman. Madalas kong nakakausap ang aking barkada sa pilipinas noon at kung minsan nga ay kahit nasa trabaho ako ay pumupunta ako ng banyo para lang gamitin ang phonecard at cellphone para lang makipag kwentuhan sa mga tropa ko at talaga namang lumalabas ang kabaklaan ko habang nasa telepono at alam ko na naghihinala na sa akin si macoy. Dumating ang araw na naguilty ako dahil sarili kong bestfriend eh walang alam sa tunay kong katauhan at naisip ko noon na kaya siguro sweet sya sa akin ay dahil kapatid talaga ang turing niya sa akin dahil ako ang kaunaunahang best friend niya. Kaya minabuti kong sabihin sa kanya na isa akong bakla ngunit hindi naging mabilis iyon.

Nangyari ang lahat nang magyaya siya magbilyar at nakipagpustahan ako sa kanya na kung mananalo ako ay dapat niya akong ilibre at kung mananalo siya ay may sasabihin ako sa kanyang secret. Sobrang cheesy at obvious na pero dahil mejo slow siguro siya noong araw na iyon ay hindi niya pinansin iyon at nagbilyar na kami. Hindi ko naman alam na maggiging maganda ang laro ko noon kaya ako ang nanalo at hindi ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa kanya na isa akong bakla dahil natalo siya sa pustahan, sa halip ay nangako siya na ililibre nalang daw niya ako sa susunod naming labas. Pagkatapos magbilyar ay tumungo na kami sa trabaho ng kanyang girlfriend para sunduin ito. Along the way ay hindi na ako nakatiis dahil gusto ko na talaga malaman niya na bakla ako kaya naman inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang album ng barkada ko sa pinas kung saan puro bakla talaga lahat.

"macoy di mo pa nakikita barkada ko sa pinas diba?"

"hindi pa bakit? yan ba? patingin naman ako"

habang nag dridrive siya ay kinuha niya ang cellphone ko at tinignan mabuti ang pictures, natahimik siya at natakot ako na baka magalit siya sa nakita niya. Tumingin muna siya sa akin at nagtanong..

"bakit puro bakla?"

at isang tango at ngiting bahagya ang isinagot ko sa kanya at nakuha niya ang gusto kong sabihin

"sabi ko na eh, tama ako" at sa di ko inaasahang pangyayari ay ngumiti siya at hindi nagalit o nailang na siya namang ikinatuwa ko.

"kutob ko na bakla ka noon pa kasi napaka tahimik mo sa trabaho saka napaka pino mo gumalaw"

nag blush talaga ako noon at nagsorry dahil nilihim ko sa kanya iyon at pagdating sa trabaho ng girlfriend niya ay bigla siyang natahimik, napaaga kami ng dating kaya matagal tagal kaming nagantay at naiilang talaga ako sa sobrang pagkatahimik niya, naparanoid ako, kung ano ano inisip ko tulad nang baka galit siya sa akin o kaya naman ay baka layuan na niya ako o kaya naman ay hindi na niya ako pansinin ng tuluyan ngunit ilang sandali lang ay tinapik niya ang balikat ko at ako pa ang tinanong kung bakit ang tahimik ko gayung siya naman ang nagsimulang tumahimik. wala akong naisagot, ngunit lumabas sa kanyang mga bibig ang mga salitang

"salamat ah, nagtiwala ka sakin at sinabi mong bakla ka"

hindi ko alam ang isasagot ko noon kaya ngumiti nalang ako at dumating na nga ang girlfriend niya at sinabi ko rin sa girlfriend niya na bakla ako na hindi naman naging big deal kay sarah dahil bakla din pala ang kuya niya kaya sanay na siya, sa katunayan nga ay mas natuwa pa siya sa nalaman niya kaya naman mas naging panatag ang loob ko. Ngunit iba talaga ang ikinikilos ni macoy noong gabing iyon.

Sa hindi ko inaasahan ay ams naging sweet at close sa akin si macoy, mas napadalas ang pagtawag niya sa akin kahit wala namang kwenta ang mga pinagsasasabi na siyang pinagtaka ko dahil ginagawa ba ito ng isang straight na lalake sa kanyang bestfriend? at mas madalas ay kami lang dalawa ang nakain sa labas at hindi kasama ang girlfriend niya na talagang nagpasakit ng ulo ko dahil nalilito na ako kung lalake ba siyang tunay. Ngunit mahirap na sumugal kaya tulad ng nakagawian ko na eh inenjoy ko nalang.

Ilang linggo ang lumipas... Gabi na noon nang makauwi ako galing sa gala namin ni macoy kaya naman agad akong nag online noon para makipag kwentuhan sa barkada ko at sa isa ko pang bestfriend dito na si Neil.

ABANGAN PO NINYO ANG KWENTO KO SA ISA KO PANG BESTFRIEND DITO SA CANADA NA SI NEIL :P

Binuksan ko noon ang YM ko at laking tuwa ko nang makita kong online ang taong pinakaminahal ko, si Leo at agad agad ko siyang minessage. Sunod sunod ang naging tanong ko sa kanya tungkol sa trabaho niya, sa health niya, at ang pinakaimportante ay ang pagpunta niya dito sa Canada at laking tuwa ko nang sinabi niya na August 2008 ang dating niya sa Canada ngunit tumigil ang mundo ko nang sabihin niyang kasama niya ang boyfriend niya na chinese na kahit pinaglalayo sila ng pamilya ay aalis sila para magpakasal dito. Napaiyak ako sa harap ng laptop ko noon at agad kong inilock ang pintuan ng kwarto dahil baka pumasok ang mga kapatid ko na busy sa panonood ng tv sa labas kasama si mama at papa. Hindi ako naniwala noong una dahil paano naman sila magpapakasal dito eh hindi naman sila resident ng canada ngunit sinabi niya na hindi man ma grant eh gusto niyang maramdaman nila na sila talaga ang magkasama habang buhay kaya hindi man legal ay magpapakasal sila at doon bumuhos ang luha ko at doon ko na isinuko ang pinakamaliit kong pag-asa ma maggiging kami ulit ni Leo. Nagsorry siya at sinabing wag na ako umasa at maging magkaibigan na lamang kami na hindi ko matanggap kaya nag log-out ako ng walang paalam at dinelete at binlock ko ang YM niya kasama ang connection namin sa fb at fs pati mga pictures niya noong kami pa ay binura ko na ng permanente. iyak ako ng iyak noon at wala akong ibang nasabihan ng problema kundi ang 2 bestfriend ko na parehong online sa msn na sina macoy at neil, at ilang sandali lang ay nagring ang cellphone ko. Akala ko ay si neil iyon ngunit si Macoy ang sumagot at nagusap kami.

Iyak lang ako ng iyak sa kabilang linya ngunit napatahan niya ako nang sabihin niyang

"gago yung taong yon, kaya wag kang magiiyak jan dahil may taong mas deserving jan sa luha mo, ilang taon ka nang pinaiyak noon diba? hanggang kelan mo ba balak umiyak?"

Sa dami ng nagsabi sa akin na kalimutan ko na si Leo, kasama na dito ang ilan sa mga malapit sa buhay ko tulad nina Rex at Neil atbp ay walang nakapagpaunawa sa akin noon... kundi si Macoy sa hindi ko alam na dahilan, siguro ay dahil fragile ako noong gabing iyon at naroon si macoy na sumalo sa akin at ipinaramdam kung ano ang tunay kong halaga. Noong kalma na ako ay siya naman ang angkuwento at sumabay pa sa pagdradrama ko, ikinuwento niya ang problema niya sa kapatid niya na babae na lagi niyang kaaway. Doon niya ako pinasalamatan dahil mula daw noong dumating ako sa buhay niya ay may nalalabasan na siya ng sama ng loob at hindi daw niya inasahan na isang bakla ang maggiging bestfriend niya na nagpangiti sa akin. Ngunit hindi doon natapos ang kanyang kuwento, isang nakakagulat na rebelasyon ang sinabi niya at iyon ay ang karanasan niya noong highschool siya kung saan may humalik daw sa kanyang lalake noong lasing siya at hanggang ngayon daw ay naiisip pa rin niya iyon na nagbigay liwanag sa aking diwa na BAKA BISEXUAL SI MACOY. Ngunit base sa pagkukuwento niya na hindi naman sa kanya nagumpisa iyon at lasing siya eh hindi na talaga niya inisip iyon. Kaya hindi ko narin masyado pinansin dahil para sa akin nag try lang si macoy mag share ng related na kuwento dahil nga sa isang lalaki din ang problema ko. halos 2 oras yata kami nagusap noon at nagtatawanan na kami nang matapos ang usapan. At sa kaunaunahang pagkakataon ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib, tinik na halos apat na taon ko na noong tinitiis. Kinabukasan ay naging maaliwalas ang aking mundo, dumating na sa bahay ang sundo ko na si macoy at dumiretso sa trabaho. Mas naeenjoy ko na ang company niya ngayon dahil sa kanya lang naka focus ang attention ko at saksi si Neil sa mga iyon hanggang sa tuluyan na akong bumigay. OO, Nainlove na nga ako kay macoy at nagtapat isang araw

"Coy wag kang magagalit ha pero alam mo, mahal na kita pero wag mo iisipin, sinabi ko lang ito kasi syempre ayaw ko maglihim sa bestfriend ko saka wala akong inaasahang kapalit, gusto ko lang malaman mo na malaki ang naitulong mo sa akin saka espesyal ka na sa buhay ko" at isang salamat lang ang naisagot niya... nagiintay ako ng sagot noon ngunit base sa kilos niya matapos noon na wala namang ipinagbago ay kumbinsido ako na WALA talagang pwedeng mamagitan sa amin dahil kaming dalawa ay matalik na magkaibigan lamang..

Dalawang linggo ang lumipas matapos akong magtapat sa kanya ay nagyaya akong kumain sa isang vietnamese restaurant malapit sa amin dahil hindi ko pa natitikman ang seafood "pho" nila, pagkalabas ng trabaho ay agad kaming pumunta doon at excited akong umorder. Mabilis namang dumating ang order namin kaya kumain na agad ako nang mapansin kong hindi kumakain si macoy at nilalaro lamang ang noodles sa kanyang harapan.

"coy o bat ang tahimik mo? may drama ka ba?" ang patawa kong tanong sa kanya

"Nat.... Tangina kasi gulo eh..." natakot ako dahil nagmumura lang si Coy pag galit talaga siya at tinanong ko siya kung ano ang nangyari sa pamilya niya....

"Hindi... ngayon ko lang kasi naramdaman ito kaya ang hirap....."

doon ko nagets ang gusto niya sabihin at sobrang saya ko noon ngunit hindi ko ipinahalata at nanatiling concern ang dating.... "Alam ko na ang problema mo coy.... " sabi ko sa kanya...

"kaya nga iba ang turing ko sa iyo Nat......" hinawakan ko noon ang kamay niya at nagpasalamat.....

balisang balisa si macoy noon, pinagpapawisan at hindi man lang niya natapos kainin ang pho niya. Maaga pa noon mga alas 9 at 11 pa ang labas ni sarah kaya naman nagyakag siya na tumambay muna kami sa recreation center para makapagusap. Sa kotse niya ay balisa at tahimik pa rin siya..

"COY...." sabi ko sa kanya habang naka offer ang kaliwang kamay ko at nakuha niya ang gusto kong iparating.... hinawakan niya iyon ng mahigpit hanggang sa nakarating kami sa recreation center. Sa wakas ay naka holding hands ko rin ang taong mahal ko, para akong nananaginip noon.

Pagdating sa Rec ay tumambay kami sa labas ng mga courts dahil walang tao doon, tahimik naming pinanood ang mga nagbabasketball doon. Ako ang nagumpisa ng pagtatanong.

"Anong plano mo?"

"Alam mo Nat, kung nauna lang kita nakilala bago kay sarah, ikaw ang unang boyfriend ko"

Sobrang saya ng pakiramdam ko noon dahil that was a first for me, akala ko ay sa mga drama lang nangyayari iyon pero totoo pala... nalungkot din ako sa sinabi niya... dahil ibig sabihin ay hindi kami pwede maging mag boyfriend.....

"Nat ayaw kasi kitang mawala sa buhay ko, pero mahal ko rin si Sarah kaya nalilito talaga ako...."

"So ano nga ang plano mo?" tanong ko ulit sa kanya

"Hindi ko pa pwede iwan si sarah kasi masyadong mabilis, pero Nat mas mahalaga ka sa akin ngayon, pero pwede bang ganito nalang muna tayo? ok naman tayo diba?"

Narinig ko nanaman ang pinaka ayaw kong salita... "MUNA".... isang salitang magpapaasa nanaman sa akin ngunit anong magagawa ko?? naiintindihan kong nahihirapan siya dahil unang beses niyang naramdaman ito

"Alam ko nahihirapan ka coy, so pagisipan mo munang mabuti, hindi naman ako mawawala.... sana lang wag tumagal ang pagiisip mo dahil hindi mo naman kami pwede pagsabayin eh, pero ok lang.. tiisin ko na lang..."

"Halika nga dito Nat..." paglapit ko ay niyakap niya ako ng mga 5 segundo.... mahigpit iyon at napaiyak ako sa magkahalong saya at lungkot.... saya dahil sa wakas ay nakita ko na ang taong humigit kay Leo at alam kong mamahalin ko ngunit malungkot dahil sa sitwasyon namin.

Nanatiling Lihim ang pagiibigan namin ni Macoy, hindi man official na naging kami ay ganoon na rin ang nangyari, nag i ilove you kami, hawak ng kamay sa sasakyan, at halik... ngunit sa pinsgi lang dahil ayaw ko naman abusuhin dahil alam kong hindi talaga siya sanay. Sa trabaho ay lagi ko siyang pinagdadala ng extra sandwich at ulam na luto ng mama ko at siya naman ay ishinashare lagi ang lunch niya. Nagtaka ang mga katrabaho namin sa sweetness namin lalo na pag lunch ngunit hindi na namin ito pinansin dahil ang alam naman talaga nila ay mag bestfriend kami. Madalas din kaming tumatakas kay sarah pag mag date kami, halimbawa ay magpapaalam siya para mag basketball kasama ang ibang kaibigan namin ngunit ang totoo ay mag jajamming kaming dalawa lang sa isang for rent na studio. o kaya naman ay kakain sa labas. Naging kabit ang papel ko sa buhay niya ngunit gayunpaman ay naging masaya kami.

Sa wakas ay nakalimot na ako sa taong nakilala ko sa Palengke.


NGUNIT HINDI DITO NATATAPOS ANG LAHAT.......


Keep posted para sa continuation ng love story ko kay Macoy, it'll be in a different title :P

No comments:

Post a Comment