PAKIUSAP, SANA NAMAN PO AY HINDI NINYO KOPYAHIN OR ANGKININ ANG MGA KWENTO KO :P ENJOY LANG!

Ako si Nat. Matangkad, medyo may kaputian, 24 anyos at tapos ng kursong Nursing. Ngayon ay dito na ako sa ibang-bansa naninirahan kasama ang aking pamilya. Hayaan ninyong ibukas ko ng kaunti ang bintana ng aking buhay bilang isang bakla, sana ay magustuhan ninyo ANG ISTORYA NG BUHAY KO

VISITORS

free counters

Wednesday, May 5, 2010

Palengke PART 2 of 3

ATIN MUNANG BALIKAN ANG MGA NANGYARI SA AKIN PAGDATING KO DITO SA CANADA BAGO KAMI NAGKAUSAP ULIT NI LEO SA CHAT....

Dumating na nga ako dito sa Canada, Nurse ako sa Pilipinas pero hindi ko magagamit ang propesyon ko dito hanggat hindi ko pa nakukuha at naipapasa ang exams nila. Pero hindi naman ako nahirapan maghanap ng trabaho, sa katunayan nga makalipas ang tatlong linggo eh nagsimula na ako sa dalawang trabaho ko na parehong part time. Pero dahil nahihirapan ako magbiyahe ay naghanap ako ng mas malapit na trabaho sa apartment na tinutuluyan namin at yung mas malaki ang suweldo, at hindi ako nabigo. Sino magaakala na sampung minuto na lakad lang ang layo ng bago kong trabaho, bilang isang call center agent. Syempre mga may itsurang lalaki kagad ang hinanap ko, at tila sinusuwerte talaga ako. Bukod sa malaki ang sweldo, malapit sa apartment namin, eh may tatlo akong ka-trabaho na pawang may itsura. Vietnamese ang isa sa kanila, siya si Alex at ang dalawa naman ay mga Pilipino- sina Macoy at Michael. Tahimik at may pagkasuplado ang una kong tingin kay Alex at Macoy at lalaking lalaki ang kilos ng dalawa kaya hindi ko sila pinansin, si Michael ang nakaagaw ng atensyon ko dahil naaamoy ko na kabilang siya sa pederasyon. At nagtuloy tuloy ang suwerte, si Michael ang nag-orient sa akin sa trabaho. Madali lang ang protocol sa trabaho kaya madali akong naka pick-up kahit na wala akong experience sa ganoong klaseng trabaho. Dahil doon, mas marami pa kaming napagusapan tungkol sa aming dalawa kesa sa trabaho. Naaamoy ko talaga na malansa ang dugo niya dahil malambot siya magsalita sa telepono at kinuha niya agad ang numero ko pero hindi rin naman kami maggiging close dahil part time lang pala siya doon at pang gabi ako naman ay fulltime na pangumaga, unang araw ko pa lang sa trabaho kaya sa hapon ako in-orient. Saka hindi ko siya type kahit may itsura siya, masyado kasing mabait. Pagkauwi ni Michael ay hinayaan ako ng supervisor ko na magikot sa mga desk para makinig sa pitch ng mga katrabaho ko, syempre dun ako tumabi sa mga pilipino para makadaldalan ko sila at doon ko unang narinig ang tinig ni Macoy nang batiin niya ako, mukhang ang angas angas niya pero mabait siya at mahinahon magsalita. dahil ka-edad ko si Macoy ay hindi ako nagkaproblemang makisama sa kanya. Walang dating sa akin si Macoy noon dahil straight siya, wala kasi akong nararamdaman sa mga straight (maliban sa ilang kaibigan ko na malapit sa akin na nakakalandian ko) pero nagiba ang lahat nang mag-uwian na, kinuha niya ang number ko at inihatid niya ako pauwi sa apartment ko gamit ang bagong bili niyang kotse.

Hindi ako naging close kay Macoy noong una dahil 12-8 ang shift niya at 7-3 naman ako. sa isang araw ay limang oras lang kami nagkakasama sa trabaho at magkaiba pa ang oras ng break namin kaya bihira talaga kami makapagusap unless lunch break. Lunch break lang ang moment ko para makausap siya, at siyempre sinusulit ko yun, kinilala namin ang isat-isa. nagaaral pa din si Macoy ng Architecture pero tumigil muna siya para makaipon ng panghulog sa bagong sasakyan niya. Syempre hindi nawawala sa usapan ang mga gala nila ni Alex, gusto niya sama daw ako sa kanila pero hindi naman pwede dahil lagi akong may volleyball noon tuwing gabi. Hanggang sa dumating ang oras na na-injured ulit ang balikat ko at napilitan ako i give-up muna ang volleyball hanggat hindi ako nakakapag physiotherapy. Dahil din doon ay nagpalipat ako sa 11-8 shift para hindi maaga ang gising ko tutal wala nanaman akong volleyball sa gabi, at moment ko na rin yun para mas mapalapit kay Macoy, saka makakasama na ako sa mga lakad nila. At doon nagsimula ang sweetness ni Macoy sa akin, una ay ang pagaalala niya sa injury ko, yung pangungulit niya kung paano naging weak ang joint ko sa left shoulder at ang pagtatanung niya kung "double jointed" daw ba ako na talaga namang naglaro sa isip ko dahil napatawa siya pagkatapos niyang itanong iyon.

Hindi alam sa trabaho na isa akong bakla, isa lang ang alam nilang bakla sa office at yun ay si Neilson na isang Canadian, madalas siyang mapagusapan nila tita Joyce- ang matandang Pilipino na saksakan ng chismosa. Isang araw habang naglulunch kami, sama-sama kaming mga Pilipino sa mesa nang umpisahan ni tita Joyce ang isyu tungkol sa pananaw niya sa Gay Marriage, kesyo wala daw siyang pakialam sa mga bakla pero ayaw daw niyang maging bakla ang mga anak niyasaka against daw siya sa gay marriage. Nagpintig talaga ang tenga ko at gusto kong mag walk-out pero hindi nalang ako nag react at nagpanggap nalang na busy sa pagkain pero nagulat ako nang magsalita si Macoy. "Why Joyce? bakit against ka sa gay marriage? do you have something against gays?" Bongga! may tagapagtanggol pala ang mga bakla sa Canada, pero napaisip ako noon- hindi kaya may lihim ng guadalupe si Macoy? Sana Meron! Pero parang nauntog ang ulo ko sa bato nang may tumawag sa cellphone ni Macoy, at Babe ang tawagan nila at masaya silang naguusap, sa isip isip ko - (babae kaya o lalake ang tinatawag niyang babe?) at pagkababa niya ng Phone ay nawalan na ako ng ganang kainin ang tuna sandwich ko. Tinanung kasi ni Alex si Macoy "Is that Sarah?" at sinagot naman siya ni Macoy ng ganito "yeah, she's gonna be here after her work" Punyeta! may syota pala ang Macoy at na-turn off na nga ako ng tuluyan dahil isa pala siyang straight, confirmed! Hindi ako nag out sa kahit kanino sa kanila.

Naging kaibigan ko rin ang girlfriend ni Macoy, madalas kasi kaming tumambay sa bahay nila Macoy para mag Rockband at mag-inom, at dun ko nalaman na dun na din pala nakatira si Sarah sa kanila, at matagal na pala silang mag syota. Naging tropa nalang ang pagtingin ko kay Macoy at Alex dahil mga straight sila, hindi naman sila naghihinala sa akin dahil straight ACTING naman ako, best actress. Ngunit tila nagiba ang ihip ng hangin nang mapagusapan namin ni Macoy ang Pilipinas. Matagal na pala siyang hindi nakakauwi sa Pinas at sa Probinsya pala sila, sa states na kasi lumaki si Macoy at lumipat lang sila dito sa Canada. Panay ang kuwento ko sa kanya tungkol sa mga kaibigan ko at sa mga gimmick namin, syempre hindi niya alam na bakla lahat ng kaibigan ko at puro kalandian ang mga gimik namin. Natulala ako sa tanong niya na "Nat, kelan ka uuwi ng pinas? pag uuwi ka sama ako". Akala ko nagbibiro lang siya pero nung tumingin ako sa kanya eh ni walang halong tawa ang mukha niya, seryoso siya. Umuwi akong nagiisip, punyetang iyon may girlfriend naman siya bakit hindi nalang girlfriend niya o kaya yung pinsan niya ang isama niya pauwi? siguro pinagtritripan lang ako nun, deadma! Ngunit hindi iyon ang unang pagkakataon na tinanong niya ako at sinabing sasama siya, halos isang beses kada buwan ay ganun ang tanung niya sa akin kung kaya naman nahiwagaan na ako sa kanya. Idagdag pa ang mga sweet moments naming dalawa tulad nang paghatid niya sa akin sa bahay kapag naulan. Pagsundo at paghatid niya sa bahay kapag may lakad kami kahit hindi ko na sinasabing sasabay ako at ang mga unforgettable na mga salita na lumabas sa bibig niya sa ilang pagkakataon.

Isa sa mga pagkakataong ito ay noong magyakag ako ng group dinner dahil malapit na ang birthday ko noon. Ako, si Macoy, at dalawang babae naming officemate ang mga niyaya ko, syempre tinanung ko si Macoy kung sasama si Sarah pero may trabaho kasi yun hanggang 11pm kaya yehey! hindi siya kasama. Sabado noon, 6 ng gabi ang usapan namin sa isang all you can eat japanese restaurant. magkasabay na pupunta yung dalawang babae naming officemate at syempre dadaanan ako sa bahay ni Macoy, 5 pm nang tawagan ako ni Macoy para sabihin sa akin na malapit na daw siya sa bahay. Ngunit after 10 minutes ay tinawagan niya ulit ako para sabihing nag back-out daw yung mga babae kasi naubusan ng gas yung sasakyan at ayaw naman nilang mag biyahe, Panay ang sorry sa akin ni Macoy at siya ang nahihiya dahil hindi na matutuloy ang group dinner namin, tinanung ko siya kung pwede bang sunduin nalang namin yung dalawa pero nagkaroon na pala ng tampuhan dahil na badtrip si Macoy nang magbackout yung dalawa, hindi daw kasi siya naniniwala na walang gas yung kotse, tinamad lang yung dalawa. Anyway nagkaroon kagad kami ng back-up plan dahil nasa amin na si Macoy, nag bo-bowling pala sina Alex kaya dun nalang niya ako isinama. Kilig ako noon kasi panay ang sorry niya sa kotse para dun sa dalawang nag backout at panay ang tanung niya sa akin kung nagugutom na ba daw ako kasi hindi kami kumain sa work ng lunch at hindi pa kami nag didinner kasi nga all you can eat ang pupuntahan dapat namin, eh nahihiya naman ako magyakag kumain kasi ang awkward na ng scenario, lalabas na parang mag dadate kami kung sasabihin ko sa kanya na kumain nalang kami sa labas, saka gusto ko ring mag bowling para maging close ako kina Alex.

At lalo akong kinilig pagdating sa bowling lanes, kasama ni Alex ang Girlfriend niya na si Huong na officemate din namin at nandun si Mike na Canadian at ang Girlfriend niyang Cambodian(si Mike, Alex, at Macoy ang magbabarkada sa trabaho) Hinanap nila si Sarah pero natawa ang lahat nang marealize namin na parang "couples" night yung gabi, yun nga lang kami ni Macoy ang magkapartner. Namula talaga ako noon lalu na nung magsimula na kaming maglaro, panay kasi ang cheer ni Macoy para matalo namin yung dalawang couple. Naging masaya ang gabi, pagkatapos magbowling ay niyaya ko sila na kami nalang ang mag group dinner sa all you can eat restaurant at pumayag ang lahat kasi gutom na gutom na rin kami. Pero malas kasi tapos na ang "last call" sa restaurant, late kami ng 20 minutes, hindi ko naman kasi alam ang restaurant hours. Nagdecide nalang ang lahat na umorder nalang ng Pizza sa bahay nila Alex at mag iinuman nalang at Karaoke at Poker. Syempre magkasabay nanaman kami ni Macoy sa kotse niya papunta kina Alex, pero medyo tumaas ang kilay ko kasi gabi na noon, 11 ang labas ni Sarah- ang gf ni Macoy, at susunduin muna namin siya bago pumunta kina Alex. Papunta na kami ni Macoy noon sa work ni Sarah nang mangulit nanaman siya na kumain na daw muna kaming dalawa kasi lunch pa walang laman ang tiyan namin, eh gutom na rin ako noon so pumayag na rin ako, pero hindi pa doon natapos ang kakulitan niya, sa dami kasi ng restaurant eh ako ang pinapapili niya, para kaming mag syota "ikaw na mamili" "hindi ikaw na" "ikaw mas may alam dito" "ano ba gusto mong kainin?" tawa nalang kami ng tawa sa kotse hanggang sa magdecide siya na dun nalang kami kumain sa restaurant sa tabi ng work ni Sarah, syempre medyo napataas nanaman ang kilay ko kasi ibig sabihin eh sasama si Sarah sa Dinner. Pero naloka ako nang Mag park siya directly sa restaurant at nag dinner kaming dalawa LANG. matatanaw mo sa inuupuan namin ang girlfriend niya kasi cashier sa isang liquor store si Sarah pero kain lang kami, natawa ako sa isip isip ko at napabulong sa sarili (ayos din to ah, hindi man lang niyayang kumain si Sarah) at maya maya nga ay tumawag na si Macoy kay Sarah at sinabing kumain lang kami saglit sa tabi ng liquor store at sinabi niya kay Sarah na sa parking lot na dumiretso pagkalabas sa trabaho. Feeling ko talaga noon mas mahaba pa kay Rapunzel ang buhok ko. Dahil doon ay ako na ang nagbayad ng bill kahit nagtalo pa kami ni Macoy kung sino pa ang magbabayad, buti nalang walang cash si Macoy noon at credit card lang ang dala... hindi kasi naaccept ng credit card yung restaurant at hindi naman niya dala yung debit card niya, so ako na nagbayad. Pagpasok sa kotse, syempre sa likod na ako uupo dahil sa front seat na uupo si Sarah.

Syempre super batian portion ang naganap nung magkita kami ni Sarah sa kotse at panay ang tanung niya sa akin about my Nursing career. Natapos ang kuwentuhan at nakarating na kami sa bahay nila Alex- mag poker kami, kumanta, at kumain ng pizza habang nagiinuman. nang medyo malasing na ay nagkayakagan na umuwi at syempre ihahatid ako ni Macoy at Sarah pauwi. Pababa na ako ng kotse nang nagpintig ang tenga ko, nagpaalam na ako kay Macoy at Sarah nang bumanat si Sarah ng pabirong "Macoy aren't you gonna kiss your girlfriend Nat" at pabirong sumagot si Macoy "Oh yeah, bye Love mwah" at para hindi obvious na nashock ako eh sumakay na ako at sinabing "yeah bye love, I'll see you on Monday" sabay Bye kay Sarah. Tawa talaga ako ng tawa pagbaba ko ng kotse, sa isip isip ko- may laman kaya yung punchline ni Sarah?
Nagpaparinig din ba ang mga Canadian? At bago ako matulog ay nag text ako kay Macoy para mag thank you at goodnight, at ganun din ang reply nya.

Mula noon ay lalo akong napalapit kay Macoy, to the point na feeling ko inlove ako sa kanya. Gabi-gabi lagi siya iniisip ko bago matulog at excited naman akong pumasok sa trabaho dahil sa kanya. Pero nandun pa rin yung control ko na hindi ako pwedeng mainlove dahil isa siyang straight at pilit kong tinatanim sa isip ko na sweet lang talaga si Macoy at naghahanap lang ng kaibigan. Pero sa mga nangyayari kasi ang hirap mag isip ng iba. Nasundan pa ito noong nag Christmas Party sa trabaho.

Boring ang Christmas party kaya nag decide kami nila Alex, Mike, Macoy at ilang kaibigan sa trabaho na mag-bowling after ng Lunch. At dito nagumpisa ang isa nanamang nakakakilig na eksena. Hindi alam ni Kuya Richard (pilipino din, matanda na siya kaya kuya ang tawag ko) ang daan papunta sa bowling lanes kaya nagoffer ako na sasabayan ko siya at sabi niya na dadaanan nalang niya ako sa apartment namin kasi uuwi din muna siya. Maya maya ay nagkatabi kami ni Macoy at tinanong niya ako kung anong oras niya ako dadaanan sa bahay (kinilig ako kasi automatic na dadaanan talaga ang tanung niya) Sinabi ko sa kanya na kay kuya Richard na ako sasabay kasi hindi alam ni kuya yung daan, sinagot niya ako ng ganito "basta pag kailangan mo ng ride tawagan mo lang ako ha" syempre isang matamis na oo ang sagot ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya "kita kits nalang tayo dun ng 3pm" sabi ko sa kanya. Bandang 2:30 nang tawagan ako ni kuya richard para sabihin na malapit na siya sa amin, Bihis na ako noon kaya nagantay nalang ako sa tapat ng building namin, maya maya ay may tumawag nanaman pero si Macoy ito, "Nat malapit na ako sa inyo" natulala ako at napa "huh?" sabay tanung ko na "kala ko dun na tayo magkita kita" "ah.. eh di convhoy nalang tayo" at ganun na nga ang nangyari kahit na napapaisip pa rin ako kung nasanay ba siya na lagi akong sunduin kaya nalimutan niya o gusto talaga niya akong sunduin? as usual ka team ko si Macoy sa Bowling at that time eh nanalo kami, marami ang nagpunta at masaya ito dahil nainom kami habang nagbobowling panay ang kulitan ng lahat at di hamak na mas masaya yung time na yun kesa sa boring na christmas lunch party namin. after ng Bowling ay nagkayagana nang umuwi nang maalala namin na iniinvite kami ni kuya Jerry (Pilipino rin na officemate namin) na pumunta sa karaoke bar na pinag hohostan niya every Friday. Naguwian muna ang lahat para mag-hatid ng mga hindi sasama kasi walang sasakyan ang iba, kami naman ni Macoy ay nagpaiwan nalang kasi hindi naman kami maghahatid at hindi na kami uuwi, napagkasunduan na dun nalang sa bowling center namin aantayin ang iba bago pumunta sa Karaoke Bar. At syempre solo ko nanaman si Macoy. Habang nagaantay kami sa iba ay nag Arcade at nag Billiards muna kami ni Macoy, nag Air Hockey din kami. Para kaming mga bata. Na miss ko tuloy ang feeling ng may BF at inisip ko nalang noon na BF ko si Macoy (kahit mukhang imposible). makalipas ang isang oras ay bumalik na ang iba naming officemate na sasama sa Karaoke Bar at nagpunta na kami doon. At syempre may mangyayari nanamang kilig moments.



Dahil kantahan ay hindi kami umatras ni Macoy, pareho kasi naming hilig kumanta kaya naman panay ang akyat namin sa stage para kumanta (exclusive pala kasi sa office ang bar nung gabing yun) panay ang kuha namin ng picture at video sa isat isa. at nung makapagpahinga na ay nagsimula na ang isa nanamang unfirgetabble moment ko with Macoy. Tinitignan ko ang mga kuha ko sa cellphone ko, maya maya ay lumapit si Macoy sa akin at gusto daw niyang tignan ang mga pictures nagulat ako nang lumapit siya sa likod ko, nakaupo kasi ako noon mula sa likod ay inilapit niya ang ulo niya sa cellphone na hawak ko para tignan ang pictures, pero idinikit niya ang ulo niya sa ulo ko, pinakiramdaman ko kung tatanggalin niya iyon dahil baka aksidente lang pero hindi niya tinanggal ang pagkakadikit nito kaya ako na ang nagtanggal, awkward kasi para sa akin. Again naguluhan nanaman ako, hindi ko ma decode ang body language niya, hindi ko alam kung saan ako lulugar, maya maya pa ay nagsimula na ang sayawan at kitang kita na pagod na ang lahat ng mga galing sa Bowling dahil nakainom na kami. Umuwi na nga si Alex at Huong sa pagod kahit 11 palang noon, dahil si Macoy (as usual) ang maghahatid sa akin pauwi, tinanung niya ako kung anong oras ko gusto umuwi, kita sa mukha niya na gusto na niyang umuwi pero nag eenjoy pa ako kaya ibinalik ko nalang sa kanya ang tanong kasi siya naman ang may hawak ng manibela, "Ikaw Macoy, pag gusto mo na umuwi sabihin mo lang sasabay lang naman ako sa iyo" at "hindi, sige dito muna tayo" lang ang sagot niya at narinig ko siya bumulong maya maya na "pagod na ako.." Natuwa ako dahil hindi siya nagyakag, although nahiya ako eh kinapalan ko na mukha ko na hindi magyakag umuwi dahil nag eenjoy naman talaga akong kumanta, ginalingan ko nalang ang pagkanta para sa kanya. nung sayawan na ay parang bumalik ang lakas ni Macoy at siya ang active na active sa dance floor habang nakanta ako ng September at YMCA. Alas 2 na ng umaga kami nakauwi at talaga namang nag enjoy ako, kaya pag uwi ko ay nag thank you ulit ako kay Macoy, inantay ko ang reply niya pero hindi siya nagreply, inisip ko nalang na nakatulog na siguro sa pagod si Macoy. Kinabukasan ng tanghali paggising ko, Cellphone ko agad ang una kong tinignan at umaasang may reply na si Macoy at tama ako, nagreply siya at nagsorry dahil nakatulog na daw siya at nag thank you din siya dahil nag enjoy din daw siya.

Christmas and New Year Vacation na noon, walang magawa sa kapal ng snow sa labas kaya sa bahay lang ako at busy sa pag g-G4M at PS3. hanggang sa isang gabi, nanikip ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga kaya nagpadala agad ako sa ospital. 3 days akong na admit sa cardiac care unit dahil may symptoms ako ng heart problem pero pinauwi din ako dahil nag negative lahat ng results, stress lang daw. Siguro ay dahil homesick na ako, pagkalabas ko ng ospital ay tumawag agad ako sa trabaho para mag file ng medical leave at kinabukasan ay tumawag ang Trabaho ko, well akala ko ay supervisor ko ang tumatawag pero si Macoy pala ang tumawag, Kinamusta ako at nagtanung kung ano ang nangyari sa akin kasi nabalitaan niya na naospital daw ako, pinaliwanag ko sa kanya ang lahat at again, isa nanamang unforgetabble moment ang nangyari, sa isang tone na parang pinapagalitan ako, sinabi niya na "Ikaw naman kasi wala ka nang activity saka lakas mo siguro kumain" tapos nag iba ang tono niya, naging caring "gusto mo mag gym tayong dalawa? samahan kita para may kasabay ka" salamat lang ang nasabi ko sa kanya. at pagkababa namin ng phone ay napaisip nanaman ako, MS HOPE nanaman ako, mali iyong nararamdaman ko alam ko pero hirap talaga, hindi ko maiwasang magisip at bigyan ng kahulugan ang sweetness niya.

ABANGAN ANG PART 3 KUNG SAAN MAGTATAGPO ANG KWENTO NI LEO AT MACOY

No comments:

Post a Comment