PAKIUSAP, SANA NAMAN PO AY HINDI NINYO KOPYAHIN OR ANGKININ ANG MGA KWENTO KO :P ENJOY LANG!

Ako si Nat. Matangkad, medyo may kaputian, 24 anyos at tapos ng kursong Nursing. Ngayon ay dito na ako sa ibang-bansa naninirahan kasama ang aking pamilya. Hayaan ninyong ibukas ko ng kaunti ang bintana ng aking buhay bilang isang bakla, sana ay magustuhan ninyo ANG ISTORYA NG BUHAY KO

VISITORS

free counters

Tuesday, May 4, 2010

Palengke PART 1 of 3

Nagsimula sa pakikipag-chat hanggang sa natuto na akong makipag-SEB yan ang naging buhay ko noon.Hayaan ninyong ikuwento ko ang istorya ng taong naguturo sa akin ng salitang PAGMAMAHAL. Masasabi kong napaka-libog kong tao noon, halos araw-araw ay may nakaka-sex ako. Marami ang nag-alok ng relasyon pero ano naman ang alam ko doon? Ang gusto ko lang ay sarap, wala akong nararamdamang love sa tuwing makikipag-talik ako. Pero dumating ang isang araw na nakaramdam ako ng init sa puso ko, parang naghahanap na ako ng taong pwede kong tawaging "mahal". Pero hindi ako marunong, para lang akong naglalaro noon sa mga relasyon ko. Pilit ko mang seryosohin eh, sa sex lang umiikot ang lahat at madali akong nagsasawa kaya ang mga nauna kong relasyon ay hindi tumatagal, swerte na pag nakalampas ng tatlong linggo. Lahat ng iyon ay nangyari sa loob ng isang taon at makalipas ang lahat ay nadiskubre ko ang isang online website for gays, mas marami akong naka sex dahil sa website na iyon. Isang gabi, nag-online ako para maghanap ng makaka-sex, pero sa halip ay isang lalake na walang picture ang profile ang nakapalitan ko ng message at naka kuwentuhan. Malapit lang ang location niya sa amin kaya niyaya ko siyang makipagkita, pero sa halip ey sinupladuhan ako at maging magkaibigan nalang daw kami dahil masarap daw akong kausap. Nawala ang libog ko noon at sa unang pagkakataon eh naging interesado ako sa isang lalake na hindi ko man lang nakikita ang itsura. Tawagin natin siya sa pangalang Leo. Halos gabi-gabi kaming nagkukuwentuhan ni Leo, random topics lang ang napapagusapan namin at masasabi kong masarap talaga siyang kausap, kahit na ayaw talaga niya magbigay ng picture. Araw-araw ko siyang kinukulit para humingi ng picture pero ayaw niya talaga, siguro ay nasanay na siya sa kakulitan ko kaya hindi siya naiinis sa akin. Lumipas ang mahigit dalawang linggo at sa di maipaliwanag na dahilan ay lagi ko siyang naiisip bago ako matulog, hindi ako naghanap ng makakasex mula nang makausap ko si Leo, nag oonline lang ako sa guys4men para lang makakuwentuhan siya. Makalipas ang halos tatlong linggo naming pagkukuwentuhan ay nakulitan na nga sa akin si Leo at pumayag siya na makipagkita sa akin, na siyang labis ko namang ikinatuwa. 10:00 am ang usapan naming magkita sa labas ng isang Pizza restaurant malapit sa amin nagalinlangan pa ako noon kasi ayaw niyang sabihin kung ano ang itsura niya o kung ano ang suot niya, ang gusto niya ay mag text lang ako sa kanya pag nandoon na ako at lalapitan nalang daw niya ako, so kahit unfair sa akin ay sinabi ko sa kanya ang suot kong damit na medyo naka porma at tinext ko siya pagkadating na pagkadating sa labas ng restaurant. Akala ko ay hindi ako sisiputin ni Leo dahil hindi siya nagrereply, hanggang sa may lumapit sa aking isang lalake na naka tsinelas, pambahay na shorts at sando na may daladalang pinamili sa palengke, medyo maliit lang siya at may kalakihan ang katawan at may itsura, maangas ang dating ng lalake kaya medyo nagulat ako ng lumapit siya. Akala ko ay magtatanong lang siya ng oras o kaya ay manghihiram ng lighter nang nagulat ako nang tawagin niya ang pangalan ko.

Natulala nalang ako at napangiti dahil hindi ko inaasahan na ang lalakeng iyon pala ang kausap ko gabi-gabi. Noon ay naintindihan ko kung bakit ayaw niyang maglagay ng picture sa profile nya, hindi mo siya kakakitaan ng kabaklaan sa katawan, mukha pa ngang tambay sa kanto ang itsura niya. Cute si Leo, at sa hindi maipaliwanag na pakiramdam eh nagustuhan ko siya sa unang pagkikita namin sa labas ng restaurant. Mahinahon siya magsalita na medyo maangas, mukhang hindi pa siya naliligo dahil sa buhok niya na halatang hindi sinuklay. Niyaya niya ako na pupunta daw kami sa kanila pero bago daw iyon ay samahan ko daw siya bumalik sa palengke dahil nalimutan niya bumili ng bigas. Natawa ako dahil ngayon lang ako nakakita ng tao na makikipag meet ng ganoon ang itsura at isasama pa ako sa palengke. Matapos naming bumili ng bigas eh sumakay na kami sa tricycle papunta sa bahay nila. sa trycicle ay ayaw niya makipagusap sa akin kasi daw ay baka kung ano ang isipin nung driver.

Ako yung taong dominante sa lahat ng aspect pagdating sa pakikitungo sa mga namemeet ko, sa kama man o sa samahan. Pero habang katabi ko si Leo sa trycicle eh daig ko pa ang maamong tuta at panay lang ang tangu ko sa mga kondisyun niya, tulad ng pumasok daw ako sa kwarto pagkadating na pagkadating sa bahay nila. Pagbukas ng gate ay sinalubong kami ng katulong nila. Pinong pino ang kilos ko noon para hindi maghinala ang mga tao sa kanila, ang nasa isip ko kasi ay hindi siya alam sa bahay dahil sa katangian niya. Pagkaabot ni Leo ng mga pinamili sa katulong nila ay agad siyang pumasok sa maliit niyang kuwarto at pinasunod ako. Kakauwi lang pala niya noon galing trabaho at matutulog na daw sana siya nang matandaan niya na magkikita nga pala kami kaya hindi na siya nakapagayos, tutal naman daw ay mamamalengke siya kaya di na siya nag abala. Napaka simple ni Leo, at lalaking lalaki talaga. Masasabi mo iyon sa itsura ng kuwarto niya na magulo at haluhalo ang mga gamit. Mainit sa kwarto niya dahil walang bintana ito. Pagkapasok namin sa kwarto ay agad siyang nahiga at sinabing matutulog lang daw muna siya dahil wala pa siyang tulog. Natulala na lang ako dahil ang akala ko ay magsesex kami o kaya naman ay magkukuwentuhan. Pero dahil parang maamong tupa ako noong mga oras na iyon ay tumango nalang ako at tumabi nalang sa kanya dahil medyo inantok din ako noon. Papikit na ang mga mata ko noon nang yakapin ako ni Leo ng mahigpit at unti unting naglapat ang mga labi namin. Kakaiba ang pakiramdam ko noon dahil hindi iyon libog, hanggang sa nagtanggal na kami ng saplot sa katawan at tuluyan na ngang naglapat ang mainit naming mga katawan. Pareho kaming top ni Leo pero siya ang naging dominant noong mga oras na iyon sa kagustuhan ko na rin, tinangka pa niya akong ibottom noon kahit hindi ko pa nararanasan iyon pero dahil nasasaktan ako ay hindi na niya itinuloy, sa halip ay umupo kaming dalawa nang magkaharap at niyakap niya ako uli ng mahigpit habang humihinga siya ng mabilis sa leeg ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit parehong mabilis ang tibok ng puso namin at pareho kaming mahigpit ang yakap. hanggang sa binanggit niya ang mga salitang "wag kang bibitaw ha, ganito nalang tayo muna" at oo lang ang naisagot ko, akala ko nga ay nakatulog na si Leo sa tagal ng posisyon naming iyon. Hindi na namin tinapos ang pagtatalik namin at nagdamit kami ulit saka nagkuwentuhan habang nakahiga ako sa dibdib niya. Tinanong ko si Leo, "so, pano na?" "bahala na" yan lang ang sinagot niya sa akin, nagkaintindihan kami kahit yun lang ang naging paguusap namin. Love ang nararamdaman ko sa kanya noong mga oras na iyon at alam kong yun din ang nararamdaman niya para sa akin. Noon lang ako nakaranas ng ganoong pakiramdam, na parang matagal ko na siyang kilala at parang nais ko siyang makasama habam-buhay. Gusto kong makapagpahinga na si Leo noon kaya naman nagpaalam na ako at tinanong ko siya kung babalik pa ako. "Syempre, bukas pagbalik mo may sagot na ako sa tanong mo" ang mga katagang pinagisipan ko sa magdamag, umaasa na sana ay maging boyfriend ko si Leo.

Kinabukasan ay magisa akong pumunta sa bahay nina Leo. Tulad ng dati ay katulong nila ang nagbukas ng gate sa akin at inaantay daw ako ne Leo sa kwarto niya. Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong niyakap at hinalikan ni Leo sa mga labi. Mainit ang halik niya at napaka higpit ng yakap niya. Para kaming hindi nagkita ng ilang taon noong mga oras na iyon muli kaming nagtalik at tinapos namin iyon pero dahil pareho kaming top ay oral sex lang ang ginawa naming dalawa. matapos noon ay nagbihis na kami at kinuha niya ang mga kamay ko at inaya ako na lumabas ng kuwarto. hindi ko alam kung saan kami pupunta hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko katabi si Leo kaharap ang tatlong nakaabata niyang kapatid na lalake pati ang katulong nila at sinabi niya na "Lagi nyo nang makikita si Nat dito sa bahay ha, syota ko na si Nat kaya i treat nyo siya ng ayos ha?" nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang pangyayaring iyon, Alam pala siya sa kanila na labis kong ikinagulat, saka sino ba naman ang hindi magugulat sa ginawa niya- parang press conference lang. Tumango lang at napatawa ang mga kapatid na lalake ni Leo pate na si Ate Gigi- ang katulong nila. at naging comfortable na akong gumalaw sa bahay niya pagkatapos ng announcement niya. Tinanong ko siya kung sasabihin din ba niya ito sa mama niya (hiwalay ang mama at papa niya) at sinabi niya na wag na daw muna. Bumalik kami sa kwarto para mag lambingan ulit (hindi sex) hanggang sa bumukas ang pinto at may mga lalaking pumasok na napakagugulo at napaka haharot. Nagulat sila nang makita nila na magkasama kami ni Leo at natahimik sila at biglang tumino ang kilos. "Leo may bisita ka pala" at ipinakilala ako ni Leo sa "tropa" nya bilang "syota"(yan talaga ang term na ginagamit nya) at muli parang nagkaroon nanaman ng press conference. Lumabas saglit si Leo para maghanda ng meryenda at naiwan ako sa kwarto kasama ang apat na lalaki na tropa ni Leo. Nakakuwentuhan ko sila saglit at alam daw nila na bakla si Leo, wala naman daw kaso sa kanila iyon dahil makulit na katropa daw si Leo at daig pa daw nito ang tunay na lalaki sa kayabangan. Napatawa nalang ako nang pumasok si Leo na nakangiti dahil narinig pala niya ang pinaguusapal namin, matapos uminom ng juice eh nagyakag ang lahat na pumunta sa basketball court dahil may laban daw yung isang tropa nila at pagdating damin sa basketball court ay nakilala ko ang iba pa niyang katropa na mga straight na lalake at babae. Again ay nagkaroon ng press conference at inannounce nanaman niya na syota niya ako. Hindi ko inaasahan na maiinnlove ako ng ganoong kabilis sa isang tao na katulad niya, at ako pa ang lumabas na babae sa relasyon namin.

Lumipas ang isang buwan ay naging masaya kami, marami akong comment na natanggap mula sa mga kaibigan niya na nagsasabi na ngayon lang daw nila nakita si Leo na ganoon saka nagbago daw ang ugali nito. Isa sa nagpatunay ay ang may ari ng tindahan na tinatambayan nila, habang nainom kami ng softdrinks sa tapat ng tindahan eh nagsalita si Ate na "alam mo Nat dapat lagi ka palang kasama ni Leo para nababawasan ang kagaspangan niyan" at nagtawanan ang lahat at pinatatahimik ni Leo si Ate kinontra ko si Leo at tinanung kay ate kung anong kagaspangan ba ang ginagawa ni Leo pero sa halip eh yung isang tropa niya ang sumagot, namamahid daw ng laway si Leo at kung ano ano pa dati. At nagtawanan nanaman ang lahat.

Pag uwi sa kanila ay tinanong ko siya

"Hon, kung may mangaagaw ba sa iyo magpapaagaw ka ba?"
"Bakit papaagaw mo ba ako?" sagot niya
at naglapat ang mga labi namin at muli kami ay naging isa

Sobrang saya ko sa piling ng barkada ni Leo at comfortable naman ako sa bahay nila, halos doon na nga ako tumira noon. Naging masaya ang sumunod na buwan namin ni Leo, mas inlove kami sa isa't isa at madami kaming naplano para sa mfa susunod na buwan. 3rd year college na ako noon at nagsimula na ang Duty ko sa mga ospital as part of my Nursing Course. kaya medyo naging madalang ang punta ko kina Leo, madalas kasi ay pang gabi ang shift ko kaya walang time para pumunta kina Leo. Kalagitnaan ng Buwan noon nang magsimula ulit akong mag online para i check ang inbox ko, alas tres ng madaling araw noon at break namin kaya nakagamit ako ng computer sa 24-hour shop sa tapat ng ospital. nagulat ako nang maabutan kong online pa si Leo, hindi ko ito pinansin dahil inaantay ko siya na mag message sa akin pero hindi ito nag message. Saglit lang ang break ko noon kaya nag log-out nalang ako agad na nakasimangot dahil hindi ako pinansin ni Leo at nagtataka ako kung bakit pa siya online noon. Hindi ko rin siya tinext noong mga oras na iyon. Kinabukasan ay wala akong natatanggap na text kay Leo na mas ikinainis ko, at naulit ang mga pangyayari noong madaling araw na nag online ako, online din si Leo kahit na pang hapon ang shift niya. Sa inis ko ay nagmessage na ako sa kanya sa website at in a sarcastic way, tinanong ko siya kung bakit pa siya online, hindi nagreply si Leo na siyang ikinagalit ko at naglog-out na ako. Hindi ko siya tinext o tinawagan ng mga sumunod na araw dahil naulit uli ang mga pangyayari. Inobserbahan ko si Leo at dalawang linggo siyang ganoon hanggang sa di na ako nakatiis at diniretso ko na siya nang tawagan ko siya, "Bakit hindi ka nagrereply sa mga message ko? saka bakit ka lagi online tuwing madaling araw" Ilang araw nalang at mag 3 months na kami ni Leo kaya sinabi niya sa akin na wag daw muna uminit ang ulo ko, sa halip ay magusap daw kami sa kanila para narin mai celebrate namin ang monthsarry namin.

Dalawang araw bago ang monthsarry namin ay nagpunta ako sa kanila dahil wala akong pasok noon, kita niya na inis ako nang sinalubong ko siya at agad siyang nagpaliwanag. mas gusto daw niya magpaliwanag sa personal dahil baka kung ano daw ang isipin ko kung sa tawag o sa text niya ipapaliwanag na siya namang naintindihan ko. Sinabi niya na mag nakakausap siya na taga Rizal province na naaawa daw siya dahil sa mga misfortune na nangyari dun sa lalake, Lander ang itawag natin sa kanya. Naunawaan ko iyon dahil alam ko naman na mahilig talaga sa ganoong usapan si Leo pero para hindi na daw ako mag isip ng kung anu-ano pa ay buburahin na lang daw niya ang account niya sabay halik sa akin ng mainit sabay bati na happy monthsarry, halos maiyak ako noon sa saya dahil ramdam na ramdam ko ang love sa akin ni Leo, but still nandun pa rin yung selos dun sa Lander. Lumipas ang dalawang araw at araw na talaga ng monthsarry namin pero may duty ako noon kaya tinawagan ko nalang ulit siya para batiin. Sobrang saya ko noon dahil for the first time, tumatagal ang relasyon ko, at andun yung pakiramdam na ayaw ko na siyang mawala sa akin. Lumipas ang ilang araw at off ko nanaman, pero napatapat ito sa outing ng tropa ko. isinasama ko si Leo pero ayaw niya dahil nahihiya daw siya at hindi siya sanay na may mga kasamang bakla, halos lahat kasi ng kasama ko ay bakla. Naintindihan ko siya at nagpaalam na lang kung pwede akong sumama at pumayag naman siya. Kinabukasan ay araw na ng outing. May nag text sa akin kaya agad ko itong binuksan dahil baka si Leo ito, pero hindi si Leo ang nagtext.
"Congratulations, I guess you've won"
Na intriga ako sa text kaya tinawagan ko ang number, nagpakilala siya at siya daw si Lander.

Sobrang galit ko noon pero naging mahinahon ako at ibinaba ang fone dahil wala akong masyadong load noon, tinext ko siya na mag online at doon kami magusap pero wala daw point para magusap kami. hindi ko siya maintindihan kaya hiningi ko nalang sa kanya ang message history nila ni Leo. Gusto kong mabasa ang mga napagusapan nila at ibinigay naman niya iyon. Naiyak ako sa aking nabasa, totoo na nagkukuwentuhan lang sila pero na inlove na si Lander kar Leo at inggit na inggit siya sa akin dahil ako ang BF ni Leo, ang ikinagalit ko ay nang mabasa ko na pag may time pala daw si Leo ay makikipag kita siya kay Lander. Naging blanko ang isip ko noon at galit ang naramdaman ko kay Leo, pakiramdam ko noon ay naloko ako. Kaya nagpaload ako agad at tinawagan si Leo para hingiin ang paliwanag niya.

Pero bumuhos ang emosyon ko at napaiyak ako habang nagtatanong kung paano niya nagawa sa akin iyon, kung ano anong sumbat ang lumabas sa bibig ko dahil na rin sa lukso ng emotions ko, nakapagbitiw ako ng masasakit na salita dahil hindi ko matanggap na ang taong pinakamamahal ko, na ang taong nagturo sa akin magmahal, na ang taong pinaramdam sa akin ang pag-ibig ay magagawa ang ganoon. Natapos akong magsalita at si Leo naman ang nagsalita,
"Sorry Nat kung nasaktan kita sa nagawa ko pero sige, tatanggapin ko, ako ang nagkamali, sorry dahil hindi ko pala natapatan ang pagmamahal mo sakin, madami ka na ring nasabi kaya wala nang sense na magusap pa tayo, makikipag break na ako"

"hinde, gusto kitang makausap, gusto ko ipaliwanag mo sa akin lahat, yung kumpleto" sagot ko sa kanya habang naiyak

"wag na Nat, sorry talaga, wala kang pagkukulang o kasalanan, ako ang nagkamali"

at naputol ang linya.. hindi ko na siya tinawagan uli dahil tinanggap ko na ang break-up na inoffer niya dahil blanko talaga ang utak ko noon at hindi ko na alam ang ginagawa ko, nagpunas ako ng luha at pilit itinago sa mga kaibigan ko ang nangyari hanggang sa dumating kami sa dagat at doon ay lumayo ako sa mga barkada ko ng sandali at iniiyak sa dagat ang galit ko at panghihinayang, gusto kong magpakamatay noon pero gusto kong makausap si Leo para magsorry at makipag ayos dahil sumobra talaga ako sa mga nasabi ko. Dahil iyo sa sobrang selos at sobrang pagmamahal ko sa kanya. Lumubog na ang araw at bumalik na ako sa tropa ko para makapag hapunan muna at makipag inuman. Napansin ng isa kong kaibigan ang kalungkutan ko kaya naman pinasaya niya ako at tinukso na marami daw lalaki sa kabilang kubo at manlalalake daw kami. At dahil medyo may tama na ako noon ay lumabas ang kabaklaan sa katawan ko at nakipaglandian sa mga lalaki sa kubo, sa katunayan ay muntik pang may mangyari sa amin nung lalake na nilalandi ko pero hindi ko na itinuloy dahil alam kong mali. mahimbing ang tulog ko noon dahil na rin sa sobrang kalasingan at kahit papaano ay nalimutan ko ang sakit na nararamdaman. Kinabukasan ay nilibang ko ang sarili ko sa pakikipaglaro ng beach volleyball sa mga tropa ko at naging masaya ang araw. Ngunit ang lungkot ay bumalik nang iwan namin ang dagat.

Naging miserable ang mga sumunod na linggo, nagpalit na ng number si Leo at hindi ko magawang puntahan siya sa bahay dahil baka wala naman akong datnan dahil sa pagiwas niya. Kaya halos gabi gabi akong naiyak sa kwarto ko sa panghihinayang at pangungulila kay Leo. Muntik na akong bumagsak sa isa sa mga major subject ko noon buti nalang ay narealize ko iyon at naipasa kahit pasang-awa. Bumalik ako sa dati kong gawain upang makalimutan si Leo, mas naging hayok ako sa laman at pinapagod ko ng husto ang sarili ko noon sa ensayo namin sa school (varsity player ako ng volleyball sa university namin). Pero hindi ko talaga makalimutan si Leo. Makalipas ang isang taon, habang naglalakad ako sa hallway ng school ay nakasalubong ko ang tropa ni Leo, nalimutan ko na doon din nga pala nagaaral iyon at agad kong kinuha ang bagong number ni Leo ngunit sinabihan niya ako na wag ko daw sasabihin kay Leo na Ibinigay niya ang number nito. Paguwi ko sa bahay ay agad kong tinawagan si Leo at sinagot naman niya ito. Isang taon kong hindi narinig ang tinig ng taong pinakamamahal ko kaya naman sobra ang saya ko noon, kinamusta ko siya at tinanong kung ok na ba ang lahat, nagsorry ako sa kanya at syempre tinanong ko kung pwede pa ba naming ayusin ang nasira naming samahan at eto ang isinagot niya:

"Nat tahimik na ako, saka may BF ako ngayon at kelan lang naging kami"

"Ganun ba, buti naman at masaya ka ngayon, namiss lang kita, pero ok na ako, goodluck ha... pero may tanong ako

Kung aagawin ba kita sa BF mo magpapaagaw ka ba?"

Ito ang tanong na minsan nang nagpasaya sa aming dalawa at eto ang kasagutan niya

"Hindi Nat, kasi mahal ko na siya, Nat kalimutan mo na ako, wag mo nang saktan ang sarili mo"
At nagpaalam ako ng mahinahon sa kanya. Bumuhos nanaman ang luha ko nang mga oras na iyon, makalipas ang isang taon at ilang buwan ay nakausap ko ang taong pinakamamahal ko ngunit hindi na yata maaaring ibalik ang nakaraan. halos araw araw ulit ako umiyak noon.

Marami akong nakilalang lalaki mula noon ngunit kahit anong pilit kong magmahal ay si Leo ang lagi kong iniisip at mabilis akong nagsasawa dahil hindi nila mapantayan ang pagmamahal na naramdaman ko kay Leo. Lumipas ang ilang buwan ay sinubukan kong tawagan muli si Leo at naging maganda ang paguusap namin. Kinamusta ko ulit siya pati na ang relasyon nila ng BF niya at natuwa ako nang sabihin niyang nag break na sila. Gusto kong maiyak sa tuwa noon dahil chance ko na iyon para subukang makipagayos kay Leo. Tinanong ko ang dahilan ng break-up nila at nag-open naman siya, ngunit nalungkot at nasaktan ako sa mga narinig ko. Nakipag break pala siya sa BF niya dahil nalaman na may cancer pala ito at bukod doon ay nagalit ang pamilya ng BF niya nang malaman na bakla ang anak nila, gusto ng pamilya ng BF ni Leo na layuan na niya ito ngunit ayaw pumayaw ng BF niya kaya si Leo nalang ang lumayo para hindi na lumaki ang gulo. Mali ang timing ko para makipag ayos uli dahil ganun pa din ang sagot niya, na gusto na muna niyang manahimik at hindi pa siya handang magmahal ulit na siyang nagbigay ng pagasa sa akin. dahil sa mga salitang "MUNA" at "PA". Kaya binigyan ko siya ng oras

ABANGAN NYO PO ANG BLOG KO ABOUT ANTON :P ANG BF KO NA LALABAS SA MGA SUSUNOD NA LINYA.....

January 2007 noon nang may makilala akong lalake sa isang ospital na aking nagustuhan at aking niligawan, naging kami ni Anton- pangalan ng naging BF ko. Iba siya sa mga nakilala ko dahil hindi ko siya sa chat nakilala at personal ko siyang sinuyo. Muli ay nakakita ako ng taong pwede kong mahalin ngunit sa pagkakataong iyon ay ako muli ang naging dominante. Minahal ko si Anton pero hindi ko maikakaila na may nararamdaman pa ako kay Leo noon at parang panakip butas ko lang si Anton pero pilit kong kinalimutan si Leo dahil masaya na ako kay Anton. Inalagaan ako ni Anton at talaga namang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Ilang buwan ang lumipas at gumraduate ako kung kaya naman nawalan ako ng oras para kay Anton bilang paghahanda sa Board exams ko. At iyon ang naging dahilan ng pagbalik ng nakatagong pag-ibig ko para kay Leo. Medyo naging unfaithful ako kay anton noon dahil iniwasan ko siya at ibinalik ang atensyon ko kay Leo. Isang araw kasama ang mga kaibigan kong si Rex at Unie ay pinuntahan namin ang bahay ni Leo, naglakas loob ako noon at gusto ko siyang makita muli. Dala ang motor ni Unie ay pinuntahan namin ang bahay ni Leo at umaasa na sana nandun siya. At hindi ako nabigo, nandoon siya at nagulat sa pagdating ko, kamustahan kami at nasiyahan ako sa sinabi niya bago ako umalis "salamat sa dalaw ha, ingat ka, text ka sa susunod pag pupunta ka para alam ko" para sa akin, pag-asa iyon na maaari kaming magkaayos ulit. Hindi pala nagiba ang number ni Leo kaya naman isang araw ay tinawagan ko ito at tinanong kung pwede ba kaming magkita ulit. Pero naging iba ang ihip ng hangin dahil tulad ng dati ay eto ang sagot niya. "Nat, gusto ko na talaga munang manahimik, ayaw ko muna pumasok sa relasyon, saka wala na tayo matagal na, kalimutan mo nalang ako, saka diba may bf ka na. kawawa naman yung tao" at oo nalang ang naisagot ko at sinabing siya pa rin ang tunay kong mahal, pero in a way tama siya, may bf ako na nalulungkot sa pag-iwas ko kaya naman nakipagusap na ulit ako sa BF ko after noon. Natapos ang Board exams ko at dumating ang di inaasahang balita, Pupunta na pala kami sa Canada para mag migrate na surprise pala ng parents ko sa amin na siya namang ikinalungkot ko. Naging blanko nanaman ang utak ko noon at dahil naguluhan ako ay lumayo akong muli sa BF ko at hindi ko sinabi sa kanya na pupunta na ako ng canada sa loob ng ilang buwan. Ibinuhos ko ang lahat ng oras ko sa mga barkada ko na siyang itinuturing kong pamilya ngunit dala na rin ng labis na kalungkutan ay tinawagan ko si Leo. tinanong ko siya kung pwede bang makipag kita ngunit ayaw talaga niya kaya sinabi ko sa kanya na baka kasi yun na ang hiling pagkikita namin dahil pupunta na ako ng Canada, sa huli ay pumayag siya.

Pakiramdam ko ay bumalik ang oras dahil nakabalik ako sa labas ng restaurant kung saan una kaming nagkita, bumalik ang ala-ala ng taong naka pambahay at namalengke bago ako tagpuin, pagsakay ko sa tricycle ay bumalik ang ala-ala na pinatahimik ako ni Leo dahil baka kung ano ang isipin ng Driver. Pagbaba ko sa harap ng gate nila ay bumalik ang ala-ala ng katulong nila na si Ate gigi ngunit nagising ako sa pag rereminisce nang hindi si Ate gigi ang magbukas ng gate kundi si Leo mismo, at tulad ng dati ay agad kaming dumiretso sa kwarto niya, walang tao sa bahay nila kundi siya. Halos maiyak ako dahil bumabalik talaga sa akin ang ala ala, makalipas ang ilang taon ay halos walang pinagbago ang kwarto niya, magulo pa din. pati ang pakikitungo niya ay ganoon din, pinatulog niya ako muna dahil wala pa daw siya tulog. Tumabi ako sa kanya at pumikit, inaantay ang yakap niya ngunit wala siyang imik, kaya ako na ang yumakap sa kanya at napaiyak na nga ako, hinawakan ko ang mukha niya at nagpaubaya siya sa paghalik ko at niyakap na rin niya ako ng sobrang higpit, kasing higpit ng dati niyang yakap, labis ang saya ko noon dahil muli kong nahagkan at nayakap ang taong pinakamamahal ko, at noon ay nagpaubaya ako sa kanya, naangkin niya ako noon. Matapos naming magtalik ay nagusap kami sandali at nagpaalam ako sa kanya, umaasa na sana ay magkita pa kaming muli, "ingat ka doon" ang mga katagang iniwan niya, hindi ko narinig ang pag-iwas niya sa akin at ang pagsasabi na kalimutan ko na siya, marahil ay ayaw na niyang madagdagan pa ang lungkot na nararamdaman ko. umalis ako sa bahay nila at sakay ang tricycle ay pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata, ngunit pinigil ko na ito dahil ayaw kong umiyak sa jeep.

Medyo nakonsensya ako dahil walang kaalam alam ang bf ko noong si Anton sa mga nangyayari, ang alam lang niya ay busy ako kaya hindi ko siya pinapayagang dalawin ako sa amin- dalawang oras kasi ang layo ng bahay ni anton sa amin. Matapos ng pagkikita namin ni Leo ay naging panatag ang loob ko dahil sa wakas ay nakasama ko siya ulit at ang mga natitira kong araw sa Pilipinas ay ginugol ko kasama ang barkada, Isang araw bago ang Flight ko ay pumayag na akong dalawin ako ni Anton at pero isang linggo bago yon ay sinabi ko na sa kanya na magmimigrate ako sa Canada, hindi niya magawang magalit dahil mahal na mahal niya talaga ako at naiyak lang siya nang sabihin ko iyon. Jan 22 2008, nagkitakita ang barkada at pumunta din si Anton, Nagpaalam ako sa kanila pati na sa aking malungkot na BF, Jan 23 kasi ang Anniversary namin which is the day of my flight. Malungkot at medyo emosyonal ang paghihiwalay naming lahat.

At nakarating na nga ako dito sa Canada, Ilang buwan ang nakalipas nang maisipan kong kamustahin si Anton at ok naman siya, namatay na ang dad niya na may cancer na ikinalungkot ko din at sinabi niya na mahal pa din niya ako, nakita ko sa kanya ang sarili ko na umaasa pa rin sa pagmamahal ni Leo. Sinabi ko kay Anton na maging masaya na siya sa Pilipinas dahil hindi ko alam kung saan ako permanently titira. Matapos naming magusap ay si Leo ang aking nakausap sa YM. Masaya ako dahil nagkausap ulit kami makalipas ang ilang buwan, Apat na taon na din ang nakalipas mula nang una kaming magkita, muli ay nangamusta ako at tinanong ko siya kung uuwi ba ako ng Pilipinas eh pwede bang maging kami ulit kasi hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. Ngunit tulad ng dati ay kalimutan ko na daw siya, saka may BF na siya ulit ng mga oras na iyon, nalungkot ako ulit ng sobra dahil lagi nalang akong bigo para makabalikan ko si Leo, Kahit ang cheap na tignan ay hindi ako natigil dahil mahal ko talaga siya. Pero habang naiyak ako sa pakikipag chat sa kanya ay natigil ito nang sabihin niya na baka pumunta siya dito sa Canada para magtrabaho. Na ikinatuwa ko naman, nagbigay iyon ng pagasa sa akin na may pagasa pa na magkita kami at magkasama ulit, naging maayos ang paguusap namin noon dahil sinabi ko sa kanya na hahayaan ko nalang na destiny ang magdecide kung kami talaga, sinabi ko rin sa kanya na tigilan na niya ang pagsasabi sa akin na kalimutan ko na siya dahil apat na taon na niyang ginagawa iyon at hindi iyon effective, na nagpatawa sa kanya, mula noon ay naging masayahin na ako at nagkaroon na naman ng pagasa. Humiling ako noon na sana ay matuloy siya Saan man dito sa Canada, atleast malapit na at madali ko na siyang madadalaw, mas maganda kung sito siya makakapagtrabaho sa Province namin. naging regular ang pagchachat naming dalawa na parang magkaibigan na lang, wala nang usapan about love dahil sabi ko nga sa kanya dati, destiny nalang ang magdedecide kung kami talaga.

Ilang buwan ang lumipas, January 11 2009 na ngayon, ilang oras ang nakakalipas, bago ko isulat ang kwentong ito, nag BUZZ si Leo sa akin sa YM at binati ako ng Happy New year at eto ang mga sumunod na paguusap namin:

Leo: Nat
Leo: musta ka na
>>>: ok lanh
Leo: sorry ah happy new year
>>>: suplado ka eh
>>>: hehe
>>>: happy new year din
Leo: sorry busy lang talaga
>>>: balita sa iyo
Leo: for promotion kasi... pero tuloy ako dyan sa canada.. baka sasaglit lang din ako dyan di ako magtatagal bahala na
>>>: OMG
>>>: wow
Leo: siguro mga isang taon lang ako dyan bahala na
>>>: so naapprove?
Leo: hindi processing pa
Leo: wala pangang interview eh
Leo: w/in this year or next year depende kung kailan maaaprove ung application
Leo: sige out muna ako luto lang ako a.. basta iwan ka lang ng mga msgs piliplitin ko makasingit ng oras para magreply
BUZZ!!!
Leo: ingat ka dyan a
>>>: sobrang pinasaya mo naman ako.... wala lang
Leo: ewan pa hindi pa alam .. basta binigay saking work frontdesk ng isang hotel
>>>: kung san ka man ma assign atleast malapit ka na
>>>: sige balitaan kita
Leo: ingat ka
Leo: may pasok ako ngyon e
>>>: Goodluck ha!
Leo: thanks
Leo: babye
>>>: see you soon
>>>: bye


ABANGAN NINYO ANG PART 2 NANGANGALAY NA AKONG MAG TYPE HEHEHE....
SA PART 2 LALABAS ANG ISA NANAMANG KARAKTER NA NAGING PARTE NG AKING BUHAY.....

1 comment: