PAKIUSAP, SANA NAMAN PO AY HINDI NINYO KOPYAHIN OR ANGKININ ANG MGA KWENTO KO :P ENJOY LANG!

Ako si Nat. Matangkad, medyo may kaputian, 24 anyos at tapos ng kursong Nursing. Ngayon ay dito na ako sa ibang-bansa naninirahan kasama ang aking pamilya. Hayaan ninyong ibukas ko ng kaunti ang bintana ng aking buhay bilang isang bakla, sana ay magustuhan ninyo ANG ISTORYA NG BUHAY KO

VISITORS

free counters

Monday, May 3, 2010

Ang Simula PART 2 of 2

Hindi gaanong Masaya ang buhay ko bilang isang high school. Kabilang ako sa mga baduy na student, yung mga boring, in short… ang mga Mababait. Ako ang madalas maging tampulan ng panunukso dahil na rin siguro sa malambot kong pagkilos at sa aking sport na Volleyball kung saan halos mga bakla ang naglalaro sa aming paaralan noong mga panahong iyon.

Nagsimula akong maglaro ng Volleyball noong Grade 5 ako at ang aking ina ang nagimpluwensya sa aking maglaro. Hindi ko naman kasi nakahiligan ang maglaro ng basketball. Isang beses nga noong grade 4 ako isinali ako ng tatay ko sa liga sa subdivision naming at dahil hindi ako marunong maglaro ay inagawan ko ng bola ang aking kakampi at naging tampulan lang ako ng katatawanan. Matapos ang Liga ay naging hilig naman ng mga nanay sa subdivision namin ang mag volleyball sa kalsada, at doon nagsimula ang career ko sa paglalaro. Grade 5 ang unang sali ko sa intramurals sa paaralan namin at ako ay naging best server noon at nung grade six naman ay naging member na ako ng varsity team namin, yun nga lang ay hindi kami nanalo.

Noong mag highschool ako ay mas nakahiligan ko ang paglalaro kung kaya naman nag try-out ako sa highschool varsity team namin ngunit sa kasamaang palad ay hindi ako nakuha dahil napakaliit ko at ang mga sumali ay pawang mas matatanda sa akin at mas magaling, umiyak ako noon ngunit mas lalo kong pinagbutihan ang paglalaro at pageensayo at noon intramurals nga ay muntik na naming matalo ang fourth year, muntik na. Noong nag 2nd year ako ay nag tryout ulit ako sa varsity team, inilakad ako ng nanay ko sa coach kaya siguro ako nakuha pero mas magaling na ako maglaro noon, yun nga lang ay bangko ako at hindi ginagamit sa laban. Inis na inis ako sa coach namin noon na wala namang alam sa volleyball kundi ang pahirapan kami sa training, hindi naman kami natututo ng skills kaya naman laking tuwa ko noong nabalitaan ko na magkakaroon ng bagong coach sa darating na bakasyon at ang balita ay isa itong magaling na manlalaro.

Isang payat na bakla ang naging coach namin, si Coach ferdie na kilalang manlalaro noon sa aming probinsya dahil na rin sa husay nito sa paglalaro. At agad niyang nakita ang potential ko bilang isang manlalaro at siguro ay naamoy niya na malansa rin ako kaya naman naging paborito nya ako at tinutukan sa ensayo. Naging malapit ako kay coach at lagi ako nasama sa kanya, mas nakita ko noon ang mundo ng mga bakla kaya naman dumating ang isang araw kung saan nagtanong ako sa kanya kung bakla ba ako. Natawa lang siya sa tanong ko at ang aking kakampi na bakla rin na kasama naming kumakain noon at walang tigil ang pagtawa at sinabi sa akin na magladlad na daw kasi ako, ngunit sabi ni coach ay ako lang daw ang makakapag desisyon niyon pero sa tingin niya ay bakla daw ako. Ilang buwan kong pinagisipan iyon at tinanggap ko sa aking sarili na bakla nga ako ngunit wala akong pinagsabihan kahit sino.

Nagkaroon ng kaunting kiliti ang aking buhay bilang isang bakla noong mag 4th year ako. Isa sa aking mga kakampi ang crush ng campus noon, talaga namang maamo ang mukha at may itsura talaga bagama't may kapayatan. Naliligo kami noon sa banyo ng sabay sabay dahil oras iyon ng harutan, gamit ang hose ay nagbabasaan kami. Natapos na ang lahat maligo at tanging ako at siya na lamang ang natira sa banyo, tawagin nalang natin siya sa pangalang JOE.

Nagsasabon ako noon at siya naman ang nagamit ng hose. Nagulat nalang ako nang lumapit siya sa akin at sinabing "Nat sabunin mo naman titi ko". Nagulat ako sa kanyang sinabi at talaga namang hindi ko alam ang gagawin kung kaya naman napamura nalang ako at pagalit na nasabing "gagu ka hindi ako bakla no" at pinatong ko ang sabon sa lababo. Napatawa siya at sinabing nagbibiro lang siya pero alam kong hindi biro iyon dahil kilala naman kasi siya bilang isang malibog na tao, hindi ko lang inaasahan na lalandiin nya ako.

Hindi doon natapos ang lahat, isang gabi matapos ang ensayo ay nagpasama si coach sa bahay ng isa sa aming mga guro para kumuha ng ilang papeles at kami ni Joe ang naiwan kaya sinamahan namin si coach. Mga alas-10 na noon ng gabi at sobrang dilim sa labas ng bahay ng aming guro, pumasok na si coach at naiwan kami sa labas dahil doon na lamang daw kami magintay. Dahil pagod sa ensayo ay umupo ako sa bench sa labas na parang nakasakay sa kabayo at dumapa. Laking gulat ko nang pumuwesto siya sa aking likuran at hinawakan ang bewang sabay indayog na kala mo ay may tinitira talaga. Ramdam ko noon ang matigas niyang ari. Agad akong tumayo dahil baka lumabas si coach at makita kami ngunit hindi niya ako pinatayo dahil masarap daw kaya ganun lang daw ako, tutal naka pantalon naman kami pareho at sa di ko alam na dahilan ay pumayag ako. Langya naman kasi bigla akong lumambot, pangalawang beses na iyon na nilandi ako ng crush ng campus namin. tumagal iyon ng halos mga 3 minuto at itinigil na niya iyon at biglang tumayo at naglaro ng dala dala naming volleyball. Parang wala lang nangyari matapos ang gabing iyon, parang isang ordinaryong harutan lamang ang naganap.

Akala ko ay doon na matatapos ang paglalandi sa akin ni Joe ngunit hindi pala, Isang araw ay umupa kami ng court malapit sa bahay ng mga lola ko para mag ensayo at pagkatapos ng ensayo ay naghanda ng meryenda si Tita, siya nga pala pumanaw na noon ang aking pinakamamahal na Lola kung kaya naman ay ako na ang gumagamit ng kwarto niya. Matapos ang meryenda ay nakilinis ng katawan ang lahat at nagbihis na upang umalis pero laking gulat ko nang tinanong ako ni Joe kung pwede daw ba dun siya sa amin matulog dahil linggo naman kinabukasan at walang tao sa kanila. Nalibugan kagad ako kaya naman oo kaagad ang sinabi ko, noong mga panahong iyon ay alam kong hindi ko na dapat palampasin iyon ngunit takot na takot talaga ako. matapos maghapunan ay nanood kami ng tv sa sala at noong gabi na ay natulog na nga kami. Isang maliit na kama at isang recliner ang nasa kwarto ni lola, syempre ay doon ako matutulog sa kama at si Joe naman sa recliner. Maya maya pa ay nagkuwento si Joe ng mga pantasya nya sa babae at halatang gusto niyang magka libugan kaming dalawa. Agad ko namang nabasa ang gusto niya kaya naman bumangon ako at sumiksik sa recliner para tabihan siya, nagpaubaya naman siya at halatang iyon ang gusto niyang mangyari. Tuloy lang sa pagkuwento si Joe habang nakasandal ako sa balikat niya at maya maya pa ay sinabi na niya na "Alam mo Nat ang sarap kumantot, kahit may yumaya sakin ngayong gabi, kahit sino, kahit ikaw papayag ako.. gusto mo?" at doon nangyari ang katangahan.

Natakot ako at sinabing hindi ko kaya iyon at agad bumalik sa kama ko at sinabi kong matulog na siya. Napahiya kami pareho sa nangyari at nakatulog, kinabukasan ay umalis na rin siya matapos mag agahan. Sobrang laki ng panghihinayang ko noon, matagal tagal na rin mula noong nakatikim ako ng titi at napalampas ko pa ang crush ng campus, langya talaga.

Lumipas ang ilang linggo ay malapit na ang district meet namin kaya naman sagad sa ensayo ang team namin, syempre kasama si Joe. Nagulat nalang ako dahil habang nasa break kami ay tumakbo ang 2 pang bakla sa team ko papalapit sa amin habang natili at may nakita daw sila. Chinuchupa daw ni Joseph si Joe, si Joseph ang transferee sa school namin noon na bakla, recruit siya ng coach namin galing ibang school at talaga naman sobra sa kalandian. Inggit na inggit ako noon dahil may nauna pa sa akin ngunit hindi ko syempre ipinahalata dahil hindi naman ako out at takot akong machismis sa school, lalu na at doon nagtratrabaho ang nanay ko. Sa halip ay si Joseph ang nachismis ngunit itinago ng team kung sino ang nasuso ni joseph dahil mahirap na at baka magkaroon ng malaking issue, lalu na at campus crush si Joe noon at mataas ang puwesto sa CAT at baka masira pati relasyon nila ng girlfriend niya na ka batch ko rin. At doon na nga natapos ang lahat ng landian namin ni Joe, nag quit siya sa varsity sa di namin alam na dahilan kahit alam namin na iyon ang dahilan. Ngunit ayos lang kasi 2nd setter lang naman namin siya at ako talaga ang setter, Nag champion ang team namin sa District meet ngunit pangatlo lang kami sa Unit meet. Gumraduate ako ng Highschool at nagaral ng Mechanical Engineering sa Maynila.

Naging tahimik at payapa ang buhay ko sa Maynila. Hindi ko naisip ang kahit anumang kabaklaan, sa katunayan nga ay hindi ko naisip ni minsan na bakla ako noon, pakiramdam ko noon ay lalaki talaga ako at masama ang maging bakla dahil na rin sa naging member ako ng Christian Organization of MIT, naging maka diyos ako at pagaaral at bible study ang naging hilig ko. Ngunit doon din ako natuto manigarilyo at magbulakbol. Isang Normal na lalake ang buhay ko sa Maynila hanggang sa nagkaroon ako ng problema sa pagaaral at dahil sa mababang marka sa 2 subject ay nagalit ang aking ama at pinalipat ako ng paaralan na talaga namang dinamdam ko, at hanggang ngayon ay dala ko ang sama ng loob na iyon. Nasa Canada na ang aking ina noong mga panahong iyon at wala na rin akong nagawa kundi ang lumipat sa isang Unibersidad malapit sa amin para kumuha ng Narsing. At dito nagsimula ang totoong buhay ko....... dito unti-unting bumuka ang aking mga pak-pak


Heto at subaybayan ninyo ang mga kuwento sa buhay ko sa kolehiyo. Una kong ikukuwento ang mga lalaking naging parte ng buhay ko kasama ang mga kalokohan at kalibugang aking ginawa.

-NAT

1 comment:

  1. mberna.. walang x'c'na kayo ni Joe .. it happen to me 'to.. c Mandy na kapit bahay ko nun.. inihanda na nilayuan ko pa! kaya bago ako pumunta nang america, lumapit sya sa akin at binulog: s'yang ikaw na sana ang una, pero ndi kita malilimutan ..
    just sharing ..

    ReplyDelete